Tuesday, April 9, 2019

Komunikasyon - Broadcasting Script

Anchorman 1: Mula sa tahanan ng katotohanan
Anchorman 2: Sandigan ng bayan
Both: DZdoubleH 89.5 (Otcho nuwebe singko)
Anchorman 1: Iyong pinagkakatiwalan
Anchorman 2: Walang kinikiligan
Both: DZdoubleH 89.5 (Otcho nuwebe singko)
TIME CHECKER: At ang oras ay (insert time)
Another: At ang oras ay hatid sa inyo ng Figlia, You feel me I Figlia
Anchorman 1: Magandang umaga bayan, narito si (insert name)
Anchorman 2: At ito si (insert name)
Both: Naghahatid ng nagbabagang balita
Anchorman 1: Para sa ulo ng mga balita ngayong araw ng Lunes ika-3 ng Setyembre, 2018. 3 bahay nasunog sa Argao
Anchorman 2: Alitan ng dalawang grupo nauwi sa pananagasa; 1 patay
Anchorman 1: OFW sa Saudi Arabia, sapilitang pinainom ng household bleach ng babaeng amo
Anchorman 2: Pinoy boxer, pasok sa gold medal match sa Asian Games
Anchorman 1: Maulan na panahon, asahan ngayong Huwebes
Anchorman 2: Inigo Pascual, sinorpresa ang fan na may leukemia
TIME CHECKER: At ang oras ay (insert time)
Another: At ang oras ay hatid sa inyo ng Palmolive, check ang hair nyo
Anchorman 1: 3 bahay nasunog sa Argao para sa detalye narito si (Reporter Lokal name), live mula sa Argao Cebu.
Reporter (LOKAL): Salamat (Anchorman 1). Tatlong bahay ang natupok ng sunog na nangyari sa national highway sa Barangay Langtad, lungsod ng Argao kahapon ng umaga. Ayon kay FO3 Ardenton Sardido, chief investigator,ang sunog ay nagmula sa compound ng Cimafranca family. Possibleng electrical misuse ang pinagmulan ng sunog. Walang silibyan o bombero ang nasaktan sa insidente. Kontrolado naman ito ng Argao Fire Station at ideneklarang fire out alas-dose ang tanghali. (Insert name) nag-uulat para sa radio ng masa.
(INSERT ADVITERSMENT 1)
TIME CHECKER: At ang oras ay (insert time)
Another: At ang oras ay hatid sa inyo ng BDO, We find ways
Anchorman 2: Alitan ng dalawang grupo nauwi sa pananagasa; 1 patay, para sa detalye, nag-uulat (Reporter Nasyonal name)
Reporter (Nasyonal): Salamat (Anchorman 2). Nauwi sa trahedya ang alitan ng dalawang grupo sa Barangay San Fermin sa lungsod na ito Biyernes ng madaling araw. Patay na nang datnan ng mga pulis ang biktimang si Jake Anthony Macadandang. Sugatan rin ang anim pa niyang kasama. Binangga umano ang mga biktima ng kotse na minamaneho ni Aaron Christian Reyes. Bago ang insidente, nagkaroon umano ng alitan ang grupo ng biktima at ng suspek habang kumakain sa lugawan. Sinampahan na ng reklamong murder at frustrated murder si Reyes. Dawit din ang pasahero nitong si Hugiebert Rivera Moico. Tumangging magbigay ng pahayag ang mga suspek. Nag-uulat (Reporter Nasyonal name). Balik sa inyo (Anchorman 1&2).
Anchorman 1: Para sa balitang Internasyonal, OFW sa Saudi Arabia, sapilitang pinainom ng household bleach ng babaeng amo. Narito naman si (Reporter Internasyonal name) para sa karagdagang detalye.
Reporter (Internasyonal): Salamat (Anchorman 1). Isang OFW ang kasalukuyang minomonitor ng DFA matapos maospital nang sapilitan siyang painumin ng kanyang babaeng employer ng household bleach. Kinilala ang biktima na si Agnes Mancilla na isinailalim sa abdominal surgery upang maalis ang ipinainom na kemikal. Kasalukuyan siyang nasa intensive care unit ng King Fahad Central Hospital sa lungsod ng Jizan. Nakikipagtulungan naman ang DFA sa mga lokal na opisyal ng Jizan upang siguruhin na mabibigyang-hustisya si Mancilla at pananagutin sa batas ang Saudi employer, na ngayon ay hawak na ng pulisya. Nag-uulat (Reporter Internasyonal name)
(INSERT ADVITERSMENT 2)
TIME CHECKER: At ang oras ay (insert time)
Another: At ang oras ay hatid sa inyo ng Rexona, It won’t let you down
Anchorman 2: Sa balitang isports, Pinoy boxer, pasok sa gold medal match sa Asian Games Anchorman. (Reporter Sports name) nag-uulat.
Reporter (Sports): Salamat (Anchorman 2). Isa pang pinoy ang may pagkakataong magkagold medal sa 2018 Asian Games. Pasok na sa final ng men's boxing ang flyweight na si Rogen Landon. Tinalo ni Landon sa semifinals ang boksingero mula sa Thailand via unanimous decision. Noong 2016 ay lumaban rin ang 24 anyos na si Landon sa RIO OLYMPICS. Makakalaban ni Landon bukas sa gold medal match ang boksingero mula sa Uzbekistan. Dalawang iba pang Pinoy boxers rin ang nanalo ng bronze medal. Balik sa inyo (Anchorman 1&2)
Anchorman 1:  Salamat (Reporter Sports name), Makakapanayam naman natin mula sa PAG-ASA si (Reporter Sports name) para sa ating weather update.
Reporter (Panahon): Asahan muli ang mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa ngayong Huwebes dahil sa hanging habagat, ayon sa state weather bureau PAGASA. Sa 4 a.m. forecast, makararanas ng mahina hanggang katamtaman na pag-ulan, gayundin ng thunderstorms, ang Luzon, kasama ang Metro Manila, Visayas, at hilagang Mindanao. Bandang alas-5:00 naman ng umaga, naglabas ang PAGASA ng thunderstorm advisory sa Metro Manila, Bulacan, Batangas, Cavite at ilang bahagi ng Rizal. Posibleng tumagal ng hanggang 3 oras ang malakas na ulan sa mga nabanggit na lugar.  Ayon sa PAGASA, ang habagat ay patuloy na pinalalakas ng bagyong "Noru" (international name) na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility. Ito si (Reporter Sports name) nag-uulat at laging tandaan, ang buhay ay weather weather lang. Balik sa inyo.
Anchorman 2: Salamat (Reporter Sports name), para sa balitang Showbiz, Inigo Pascual, sinorpresa ang fan na may leukemia. At ito ay iuulat sa ating chikadorang si (Reporter Showbiz name) sa pagbabalik ng ating programa.
(INSERT ADVITERSMENT 3)
TIME CHECKER: At ang oras ay (insert time)
Another: At ang oras ay hatid sa inyo ng Breeze, may lakas ng sampung kamay
Reporter (Showbiz): Hindi mapigilang mapaiyak ng isang kinse anyos na fan ni Inigo Pascual na nakikipaglaban sa acute myeloid leukemia noong binisita siya ng pop star sa hospital. Sa One Music PH clip, nagawa ni Pascual na maglaan ng ilang oras sa kanyang iskedyul upang bisitahin ang Ospital sa Makati kung saan si Arnie Espina ay naka-confine mula noong Pebrero. Si Pascual ay nakipagselfie kay Espina, pati na rin ang pagbibigay ng mga regalo at hinaranaan siya sa kanyang hit song na "Dahil Sa'yo." Pagkatapos, ipinagkaloob ni Pascual na ang pagbisita ay nagbigay sa kanya ng bagong pananaw sa buhay.
Inigo Pascual: This is what she has to live, this is the life she has to live and yet she chooses to be happy, she still chooses to fight. There are so many things to be thankful for. When you visit people like them, you realize there's so much more to be thankful for.
Reporter (Showbiz): Ito inyong lingkod chikadora (Reporter Showbiz name), balik sa inyo.
 Anchorman 1: At iyon lamang po ang ating mga nagbabagang balita sa araw na ito
Anchorman 2: At magbabalik ang programang ito 10:45 araw-araw sa
Both: DZdoubleH 89.5 (Otcho nuwebe singko)

No comments:

Post a Comment

WHAT'S THIS?

Hi! I am Ashe, a Senior High School student. In this blog site, I published all my essays, lessons and outputs in hopes of helping other SH...