Wikang Filipino sa Kasalukuyang Panahon
Ang
wika, kagaya sa paglipas ng panahon, ay magbabago rin. Hindi ko sinasabi na
nakasasama ang pagbabagong ito pero ito’y kaakibat sa pag-usbong ng makabagong
teknolohiya, natuto tayong baguhin ang ating pagpipili ng mga salita. Maging
tapat nga tayong lahat, meron na tayo sa Ika-21 siglo kung saan hindi na
masyadong laganap ang pagsasalita ng malalim. Impluwensya ito ng ating pagkakaiba-iba
at batid na rin sa modernisasyon at panggagaya natin sa mga banyaga. Dapat
iangkop natin ang ating mga salita sa ating henerasyon, sa henerasyon ng
milenyal. Ang mga halimbawa nito ay ang pagkabuo ng mga salitang beki at ang
sikat na petmalu, lodi atbp. Isa na rin ang lenggwahe ng mga kabataan na araw
araw nadadagdagan ng mga bago pang salita. Tandaan natin at isapuso na
pabago-bago man ang wika, dapat hindi natin binabalewala ang kahalagahan nito.
Dahil ang wika ay kakambal ng ating kultura, ito ang nagsisilbing tulay sa
ating pagkakaunawaan at pagkakaisa.
No comments:
Post a Comment